Quote of the day

"What we are is God's gift to us, what we become is our gift to God."

Wednesday, March 14, 2007

The Preparation part 1

after almost 2 months of losing myself, here I am right again to bring you yet another set of quotes or maybe somewhat forms of inspirational words or quotes.

(note: Starting from this point I will start using Filipino as my language since I assume that the readers of these blog would mostly be filipinos. an english version might soon follow depending on the results.)


The Preparation(Ang Paghahanda):

nanalapit nanaman ang exams sa buhay natin kaya dapat lng siguro na magkaroon tayo ng tips sa paghahanda saating sarili sa examinations hindi ba?

bago ang lahat gusto kong malaman mo na may dalawang uri ng learner at gusto ko ring alamin mo kung alin ka sa dalawa(baka makatulong ito ng husto)

ayon kay(Ramos, 2007) mayroon daw dalawang uri ng learner isang left brain learner at isang right brain learner

Para malaman mo kung alin ka sa dalawa ay kailangan mong malaman kung paano ka sumagot sa isang tanong sa direction (pero pano kaya kung isang katulad ko na walang sense of direction ang sumagot. pano na?)

kadalasan ang mga left brain learners ay sasagot ng pa explaination form or more on talking part

pero ang mga right brain learners daw ay makakasagot sa pamamagitan ng illustrasyon o mga pagdradrawing ng mapa.

kapag daw ikaw ay isang left brain learner mas madali ka daw matututo kung gagamit ng isang outline form na nagbibigay ng mga katangian ng mga lessons o tumatalakay sa mga ito

kapag naman ikaw ung right brain learner mas madali kang matututo kapag gumagamit ka ng concept map, ung nga lang ang kadalasan lng nakakaintindi ng konsept map ay ung mga gumawa nito.

So kung alam na natin kung aling bahagi ng utak ang pinagagana natin sa pag aaral ay mas malaking tulong na to diba?

Pero ayon kay (Cabalinan,2006) Lahat ng bagay nag fafall under sa yin and yang law. kapag may good side ay may bad side at gaya ng nakikita nating simbolo sa yin at yang ay may guhit ito sa gitna na nag memantain ng balance nito. kaya malamng din na merong mga tao na nakakagamit ng parehong side ng utak nya kapag nagaaral pero ayon din daw sa law nayon ay bihirang bihaira lng ito mangyari. pero ang madalas ay ung magkaroon ka ng atribute ng parehong bagay pero mas dominant ka sa isa. at un ung ibig sabihin ng tuldok sa yin and yang.

"Take no thoughts to the future for the future take thought for itself"

-matthew

Yan ang part sa bibible na ginagamit ng maraming pilosopo para sabihing huwag na nating isipin pa ang bukas dahil mangyayari talaga ang dapat mangyari. ang dapat daw natin isipin ay ang ngayon at huwag ang bukas.

Marahil ay tama sila na dapat ngang wag na natin isipin ang bukas dahil maiging sagabal lng ito sa pagiisip ng ating gagawin ngayon pero malamang ay may mali din ang pagkakaunawa nila diba?

Tingin ko dapat din natin isipin ang ating kinabukasan at ang mga susunod na pangyayari para mapaghandaan ito. Tunay na ang oras ay magkakadugtong.

maari nating gamitin ang ating nakaraan para magamit sa kasalakuyan para sa ikagaganda ng ating kinabukasan hindi ba?

Dapat isipin din nating kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. isipin mo nalang kung iaaplay natin yan sa paglalaro ng chess? pano naman gagawin mo kung hangang ung tira mo lang para sa ngayon ang iisipin at hindi ang mga susunod pa?

Sa buhay natin parang ganun lang yon kailangan natin isipin ang susunod na hakbang na gagawin natin para maging mas maayos ang lahat. ang ating bukas ay nakasalalay sa ating ngayon. pero masama din naman kung nakasalalay nalang tayo sa bukas. dahil kapag nagkamali lang ng kahit isang galaw ay mababago nanaman ang bukas at kailangan mo nanaman magisip hindi ba?

kung kayang mabago ng mabago ang bukas magkakaroon ng infinte chain ng pagbabago sa kinabukasan at mababaliw ka nalang kakaisip. tingin ko ito ung part na iniiwasan nilang mangyari kaya may punto din sila dito.

No comments: